grabeh bad mood ako last week... as in super...
kaya salamat sa mga people na in one way or another ay nag-alala sa akin... at pasensya na rin... hehehe
kay gihan
thank you sobra for being there... always... laging perfectang timing mo... kung wala ka e super depressed na sana ako
kay jane at cecile
yak sorry napag-alala ko kayo... pero thank you for caring...as
kay peach...
wala akong masabi
kay mikael at joseph...
walangya kayong dalawa, laks niyong man-trip a... hintay-hintay lang kayo atpag nasa mood na ako, maghanda kayo kapag gumanti ako. pero salamat na rin sa pang-aasar dahil sa inis ko ay nakaklimutan kong depressed nga pala ako...
Tuesday, January 22, 2008
salamat
written by Jo Munar 0 comments
attention: support the send-jo-to-incubus-concert fund
Somebody!!!
Somebody send me to the Incubus concert please! PLEASE! pleeeeeeaaaaaaaaassssssssssseeeeee!
Waaaaaahhhhh!
As in... I can never raise the funds I need to go there. As in... waah! *sniff* I don't think I can ever afford the ticket. It is such a loss. *sniff*
Matagal na rin akong nag-iipon for that concert. Last month pa ever since mabalitaan ko.... Kaya lang, aaaaaaaaaaaarrrrrrrggggggghhhhhhhh... bakit kasi la-layas-layas pa yang phone ko?... imbes na ipambili tuloy ng ticket ay kailangan ko na lang ipambilli ng phone... waah... walang hiyang magnanakaw ka... sarap mong murahin... pasalamat ka hindi ako nagmumura....
Can someone take pity on me and send me to the Incubus concert? I'll be forever grateful... Sige na, please...
Waaaaaaaahhhhhh!
Buti pa yung kapatid ko, may nag-offer (di raw sure, whatever) na manlilibre sa kanya... See? May manlilibre sa kanya! Ako rin! I want IncubuS! Free me incubus!
Tapos wala siyang balak kunin yung libre na iyon kasi mas gusto niya ang maroon5 at hindi niya medyo trip ang mga songs sa light grenade... which is most likely ang mga songs na tutugtugin nila.... Jeff! akin na lang yung libre... I want incubus!
Most likely, habang binabasa niya ito, sinasabi niya... at, ang kulit, hindi pa nga sure yan e...
Still, ba't sa'yo jeff may nag-offer tapos sa akin wala? E mas adik ako sa incubus kaysa sa'yo...
Yak... nagpaparinig ba?
Sige na kasi people... support my charity and give money to the send-jo-to-incubus-concert fund... a small help will go a long way... it will make me forever so happy! yey! ^_^
for details, please visit jo... kalayaan residence hall, up-diliman, GA-33 or contact jo... 09266894*** (ask peach or gihan for the last three numbers. and temporary number lang 'yan, sa tatay ko yung phone kaya wag kayong manti-trip)
written by Jo Munar 0 comments
Thursday, January 10, 2008
Ang emo ko naman...
hahahah... nahanap ko ito somewhere... kahit kelan talaga o... pero hindi naman ako ganito most of the time... wala lang... kaya kesa mag-disappear into nowhere itong isinulat ko once upon a time ay isi-share ko na lang sa inyo... hehehe
"Ako"
Ako...
isang maliit na tuldok sa mundo...
nagpupumilit na magkaroon ng...
buhay, pagkakakilanlan, at kuwenta...
ngunit wala akong magawa.
Isa akong...
maliit na tuldok...
Parang bulang tinatangay ng hangin...
patungo sa kawalan...
written by Jo Munar 0 comments
Friday, January 04, 2008
Making a Fuss over Nothing at All
WWWWaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh..............
Guess what song was at Jam's number one spot the moment year 2007 ended, and year 2008 began...
It's "Your Guardian Angel" by Red Jumpsuit Apparatus...
Yeah... It's the number one song for December 2007... The last song to occupy the top spot for the year 2007...
I can't believe it.
I mean, come on, I'm broken-hearted with that song!
Kasi naman eh...
Fine... I know I should be happy kasi number one ang (dating) favorite song ko, kaya lang kasi...
It's becoming TOO popular. I mean... everyone is singing it... I go to the mall, and they play for too many times in an hour...someone else is screaming when they hear that song.
Ginagasgas na rin siya ng ibang station. Just look. What kind of station will play the same song twice in a span of less than an hour? (I am happy Jam never does that... They wouldn't even play songs from the same artist within the one hour...)
Ayoko ng songs na gasgas.
At ayoko rin ng songs na alam ng lahat, at tinitilian ng lahat. Haller... How could you possibly claim a song as your favorite song (however temporary that may be) if everyone else is claiming it as their theme song?
So I am broken-hearted with that song.
Really, the song is just too beautiful to be hated. I actually fell in love with it noong una ko siyang narinig... so just imagine what a pain it is that my ear has become allergic to it.
Narinig ko siya before sembreak pa... hahahaha. Pero gabing-gabi na noon, actually madaling-araw na ata, kaya wala ng dj sa Jam... ayun... tapos nag-play yung song. I literally jumped out of bed, and I whimpered because the song was so beautiful. (Yes, I did whimper. I often do that when I hear a new song that I happen to like. hehe.) I had to hold my chest so my heart would not beat so loud and I can listen to the song more intently... heheh... Now the trouble was, walang dj kaya hindi ko talaga alam yung title or artist na kumanta ng song. I had to wait for another two weeks bago ko siya narinig ulit.(or was it only just one? well it certainly felt longer than one week. So no, it was two weeks. Yeah, it was two weeks. Believe me it was two weeks. But don't kill if it only happened to be one...haha) Oh well, wala kasi akong radyo sa dorm so every weekend lang ako nakakapakinig ng radyo... haha... At ayun, bagong pasok siya sa hitchart ng Jam. And for a newbie, it certainly did well. #16 kaagad...hahah. One week or so yun before sembreak. ^_^
So see... I had every reason to claim that song as my theme song, but then came the second sem. And the next thing I knew, everyone else is screaming for that song (and even claiming it as theirs! sheez...). And a radio station (certainly not Jam) plays it twice in an hour. Oh well...
I guess I will have to wait until the craze has passed, and everyone else starts to forget that s/he used to say her/his heart bleeds whenever s/he hears that song. haha. There was even one who said it's her break-up theme song, and hearing it makes her heart break even more. Well it is not a break-up song, stupid.
At least, I have a new favorite song right now. haha. And no one else can steal that from me. hahaha.
Do I sound that bitter? Haha. Don't bother. It's just that it pains me that I cannot enjoy the song as much as I used too. Hehe.
My brother is sighing right now. He says he cannot quite understand why I am making so much fuss over "Your Guardian Angel" when "Face Down" sounds better.(Well the acoustic version is definitely as great. It is actually the first song of RJA that I happened to like.)
written by Jo Munar 0 comments
Labels: kinababaliwan ni jo
New Year Dilemma
Haay... mahirap talaga kapag ala kang load at season ng pagbibigay ng greetings...
oh well... tinatamad ako magpa-load eh... kasi naman ang daming nagpapaputok sa labas, takot akech... and secondly, hindi ko alam kung saan huhugot ng pera, ayoko namang empty ang mga wallet ko pagpasok ng bagong taon, and when I mean may laman, hindi yung barya... as in bill, as in yung perang may mabibili ka talaga... haizt, mga idiosyncrasies ko talaga.
Pero gusto kong magpasalamat sa mga taong nagsend sa akin ng greetings, kahit hindi ko kayo nareplya-an. You made me feel so happy, really... Lalo na yung mga personal messages talaga, yung kahit happy new year lang ay may pangalan ko pa rin... nakaka-touch... kind of like making me feel na naalala niyo talaga ako ngayong pasko at bagong taon... at hindi lang ako nadamay sa urge niyong mag-send ng greeting sa lahat ng nasa phone book niyo, yun tipong send-to-all option, disregarding kung kaaway o kaibigan mo yung nasa phonebook (well maliban na lang kung binubura niyo yung number ng kaaway niyo sa phone), hehehe... pero seryoso SALAMAT NG MARAMI... personal o gm man 'yan... na-a-appreciate ko pa rin siyempre... hahahaha. Attention-grabber ko lang talaga ang mag-rant... hahahaha... kayo naman o.
Ayun, salamat ulit. Sana ay pagpalain kayo ng Diyos sa darating na taon na ito. Lumipas na ang 2007, at nagpapasalamat ako sa mga alaalang dinulot ng taong ito. It's a very special year... siguro dahil sa graduation ko at pagsisimula ng college life ko o kaya dahil 2007 ang simula ng student number ko at 07 rin ang pangalan ng highschool batch ko (o pisay! nakakamiss...) Sa mga naging bahagi ng buhay ko sa taong ito... salamat... shucks, how will i start mentioning everything we've been through? at sa mga taong patuloy na naging parte ng buhay ko during 2007, sana marami pang taon ang pagsaluhan natin. =) oh yeah! Hahahahah
Ayun... oh my gulay 2008 na... bakit hindi ako masaya? Kasi gusto ko 07 pa rin eh... 07 da best! Oi, anong isyu toh? Hehehe, wala, joke lang... Siyempre may magagawa ba ako eh year 2008 na? Shucks, magse-17 na ako... special sa akin ang number 17 for reasons na akin na lang... basta... hahahahah... ask me some time kapag nagkasabay tayong maglakad or something and maybe i'll tell you... but i think i won't... so ask me na lang kapag 18 na ako and by then siguro naka-get-over na ako sa sikreto ng number 17. hehehe.
Anyways! Ayun lang... God bless sa ating lahat ngayong 2008! ja ne!
written by Jo Munar 0 comments
Labels: pagmumuni-muni
A Christmas Resolution
Sa pag-iikot ko sa mga tiangge in search of christmas gifts, marami akong na-realize
1) Huwag kalimutang mag-greet ng “Merry Christmas” sa mga tindera, jeepney driver, etc... this also goes kahit ordinary days. Hindi mo lang alam, pero ang isang simpleng good morning or good afternoon can do really great things sa kanilang kahit pasko ay naghahanapbuhay
2) Kapag may nagustuhan kang bagay, bilhin mo na kaagad... Malay mo, iyon lang pala ang only time na mae-encounter mo ang bagay na iyon... for example, isang necklace na unique ang design... o kaya isang cd na mahirap na palang mahanap...
3) Hindi kailangang mahal ang regalo... all you need is to have an eye for what is unique and beautiful...
4) Don't shop for christmas gifts with one blow... mas maganda if you will shop all year around... for example, may nakita kang isang bagay tapos naalala mo ang friend mo dahil doon, bilhin mo na for her kahit walang okasyon... you don't have to give it right away... balutin mo, itago, tapos pagdating ng pasko (or ng birthday niya) saka mo ibigay... maraming benefits ito:
(1) Hindi ka kakapusin sa christmas ideas
(2) Maiiwasan mo ang mga moments na narealize mong kinapos ang budget mo right at the middle of your shopping
(3) Hindi ka na rin makikiisa sa christmas rush... no panic buying, yeah!
(4) Sure kang yung nabili mo ay babagay sa reregaluhan mo (dahil hindi ka dampot lang dampot at clearheaded ka ng binillimo iyon)
(5) Magkakaroon ka ng rason para i-manage ang pera mo nang maayos. Siyempre, who knows, baga makakita ka on your way pauwi ng something na maganda, di ba (yup,all year round yan)... in short... a reason para makapagtipid...
(6) Make a list long before Christmas
written by Jo Munar 0 comments
Labels: pagmumuni-muni