CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Friday, January 04, 2008

New Year Dilemma

Haay... mahirap talaga kapag ala kang load at season ng pagbibigay ng greetings...
oh well... tinatamad ako magpa-load eh... kasi naman ang daming nagpapaputok sa labas, takot akech... and secondly, hindi ko alam kung saan huhugot ng pera, ayoko namang empty ang mga wallet ko pagpasok ng bagong taon, and when I mean may laman, hindi yung barya... as in bill, as in yung perang may mabibili ka talaga... haizt, mga idiosyncrasies ko talaga.

Pero gusto kong magpasalamat sa mga taong nagsend sa akin ng greetings, kahit hindi ko kayo nareplya-an. You made me feel so happy, really... Lalo na yung mga personal messages talaga, yung kahit happy new year lang ay may pangalan ko pa rin... nakaka-touch... kind of like making me feel na naalala niyo talaga ako ngayong pasko at bagong taon... at hindi lang ako nadamay sa urge niyong mag-send ng greeting sa lahat ng nasa phone book niyo, yun tipong send-to-all option, disregarding kung kaaway o kaibigan mo yung nasa phonebook (well maliban na lang kung binubura niyo yung number ng kaaway niyo sa phone), hehehe... pero seryoso SALAMAT NG MARAMI... personal o gm man 'yan... na-a-appreciate ko pa rin siyempre... hahahaha. Attention-grabber ko lang talaga ang mag-rant... hahahaha... kayo naman o.

Ayun, salamat ulit. Sana ay pagpalain kayo ng Diyos sa darating na taon na ito. Lumipas na ang 2007, at nagpapasalamat ako sa mga alaalang dinulot ng taong ito. It's a very special year... siguro dahil sa graduation ko at pagsisimula ng college life ko o kaya dahil 2007 ang simula ng student number ko at 07 rin ang pangalan ng highschool batch ko (o pisay! nakakamiss...) Sa mga naging bahagi ng buhay ko sa taong ito... salamat... shucks, how will i start mentioning everything we've been through? at sa mga taong patuloy na naging parte ng buhay ko during 2007, sana marami pang taon ang pagsaluhan natin. =) oh yeah! Hahahahah

Ayun... oh my gulay 2008 na... bakit hindi ako masaya? Kasi gusto ko 07 pa rin eh... 07 da best! Oi, anong isyu toh? Hehehe, wala, joke lang... Siyempre may magagawa ba ako eh year 2008 na? Shucks, magse-17 na ako... special sa akin ang number 17 for reasons na akin na lang... basta... hahahahah... ask me some time kapag nagkasabay tayong maglakad or something and maybe i'll tell you... but i think i won't... so ask me na lang kapag 18 na ako and by then siguro naka-get-over na ako sa sikreto ng number 17. hehehe.

Anyways! Ayun lang... God bless sa ating lahat ngayong 2008! ja ne!

0 comments: