Sa pag-iikot ko sa mga tiangge in search of christmas gifts, marami akong na-realize
1) Huwag kalimutang mag-greet ng “Merry Christmas” sa mga tindera, jeepney driver, etc... this also goes kahit ordinary days. Hindi mo lang alam, pero ang isang simpleng good morning or good afternoon can do really great things sa kanilang kahit pasko ay naghahanapbuhay
2) Kapag may nagustuhan kang bagay, bilhin mo na kaagad... Malay mo, iyon lang pala ang only time na mae-encounter mo ang bagay na iyon... for example, isang necklace na unique ang design... o kaya isang cd na mahirap na palang mahanap...
3) Hindi kailangang mahal ang regalo... all you need is to have an eye for what is unique and beautiful...
4) Don't shop for christmas gifts with one blow... mas maganda if you will shop all year around... for example, may nakita kang isang bagay tapos naalala mo ang friend mo dahil doon, bilhin mo na for her kahit walang okasyon... you don't have to give it right away... balutin mo, itago, tapos pagdating ng pasko (or ng birthday niya) saka mo ibigay... maraming benefits ito:
(1) Hindi ka kakapusin sa christmas ideas
(2) Maiiwasan mo ang mga moments na narealize mong kinapos ang budget mo right at the middle of your shopping
(3) Hindi ka na rin makikiisa sa christmas rush... no panic buying, yeah!
(4) Sure kang yung nabili mo ay babagay sa reregaluhan mo (dahil hindi ka dampot lang dampot at clearheaded ka ng binillimo iyon)
(5) Magkakaroon ka ng rason para i-manage ang pera mo nang maayos. Siyempre, who knows, baga makakita ka on your way pauwi ng something na maganda, di ba (yup,all year round yan)... in short... a reason para makapagtipid...
(6) Make a list long before Christmas
Friday, January 04, 2008
A Christmas Resolution
Labels: pagmumuni-muni
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment