Oftentimes, the silliest things are the one that keeps my hopes up.
Above is something I thought of during one of my favorite moments: wishing on 11:11.
Ang sabi kasi nila, kapag nakita mo yung relo ay 11:11, pwede ka raw mag-wish. Dapat daw, yung tipong napansin mo lang, o kaya aksidente mong nakita yung relo, kasi kapag inabangan mo raw wala nang effect.
Naging habit ko na siya. As in, sobrang automatic na iyon na ang una kong naiisip kapag nakita ko ang 11:11.
The wishes I make are the silly ones, though... parang... sana magkausap na kami ulit ni someone... o kaya sana makasalubong ko si someone... I don't wish for something as serious as sana pumasa ako sa exam mamaya. There are things you can never ask for, you have to work for them.
Madalas natutupad yung mga wishes ko, delayed nga lang. For example, yung "sana makasalubong ko siya". Nahahyper nga lang kasi ako kapag natutupad yung wish on the same day. Siguro natuto na ang tadhana kaya, ayun, lagi nang delayed. Pero okay lang.
May mga bagay naman na kahit forever kong i-wish, ayaw matupad. Parang... ano... iyon... sana magkausap na ulit kami ni someone. May mga tao kasi na kahit ilang beses mo nang makita, parang never mo nang makakausap ulit? sad...
Pero siguro nga... there are things i have to work for. Baka kasi yung wish na "sana magkausap kami ulit" ay hindi ko pwedeng hilingin, kelangan kong gawin. Maybe I shouldn't be waiting for things as such to happen. Maybe I should be the one making these things happen.
Kaya ayun... I am mustering every ounce of confidence I have... para next time... yun na.
0 comments:
Post a Comment