ganito kasi ang nangyari. kinwento ng mama ko. nangyari ito tuesday night
dahil hindi ako makapag-paramdam sa bahay, naisipan ni papa na tawagan ako.
------------------------------------------------------------------------------------------------
papa: tawagan mo kaya dalaga mo?
mama: hah? paano ko siya tatawagan, e nawala niya cellphone niya.
(By this time alam na ni mama, kasi tinext ko siya tuesday ng umaga. Sabi ko sa kanya wag niya muna sabihin kay papa kasi gusto ko ako yung magsabi. Gift kasi ni papa yung phone.)
papa: ha?
mama: ha? wala. hula ko lang iyon. nagtext kasi e, pero ibang cellphone ang gamit.
papa: ano sabi?
mama: may kasalanan daw siya. sasabihin niya pag-uwi niya. sorry daw, masama siyang anak.
papa: bakit naman niya sasabihin na masama siyang anak?
mama: ewan ko, baka may boyfriend na.
papa: siguro nga may boyfriend na...
...teka, ano namang masama sa pagkakaroon ng boyfriend?!?
mama: wala naman.
papa: baka naman kasi nawala lang yung phone niya.
mama: siguro.
papa: nawala lang talaga phone rin. sabihan mo, okay lang. bili na lang tayo ng bago. yung cheap na nga lang. *tawa*
---------------------------------------------
mama talaga o. nagmukha pa tuloy na may kababalaghan akong ginagawa. anyway, di galit sa akin si papa. yey. i love you mama!!! i love you papa!!!
0 comments:
Post a Comment