CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Monday, April 06, 2009

Parang plot twist ni Shakespeare

Naku naman 'tong araw na 'to!!! Bipolar... parang shakespeare tragedy ang kawirduhan.

Bakit? Kasi bumili ako ng bagong phone. Yey. Masaya di ba kasi may bago akong phone. Kaya lang wala pang isang oras gusto ko nang itapon kasi... aah! Feeling ko nagsayang ako ng pera. Sa takot ko kasi na baka mawala ko lang ulit, chipiay yung binili ko. Tapos hindi na ako sanay sa chipipay na phone. Tapos sana yung LG na lang na may mp3 player na 110php lang yung price difference. Tapos, bigla ko ring na-miss ang minamahal kong ex-phone. Unfortunately hindi pa rin ako makaget-over.

Tapos nakita ko yung grade ko sa MBB 110 (which is yung first MBB lab namin)... at shet... di ako makapaniwala sa grade ko. himala talaga. as bonggang himala.

jo: *muttering to self* sir fabs... final na ba ito? as in final na talaga. OMG.
sir fabs: final na iyan jo. *smile*
jo: *still muttering to self* OMG. parang ayokong maniwala

Ayun. Tapos pag-uwi ko sa bahay chineck ko yung CRS, tapos boom! Nakita ko math grade ko. Patalo talaga yung finals. Lahat ng long exams ko ang gaganda ng grade e. Finals lang talaga. Patalo. Bakit ko kasi nakalimutan kung paano magdifferentiate ng r eh. panirang mental block. ginagawa ko pa yung isang similar problem the night before. T-T

Wah. Yung grade na never kong nakamtan, at never ko nang makakamtan, sa buong buhay ko ay hindi ko na makukuha kasi last math subject ko na ito. byebye math. kung bakit pa kasi kelangang maging unrequited ng relationship natin. :p

Anyway, ang drama ko.

Epekto lang siguro ng panonood ko ng Romeo + Juliet for the nth time ( where n is a positive integer greater than seven) kahapon.

Ang weird kasi gumawa ng plot ni Shakespeare e. Malungkot tapos masaya tapos malungkot ulit tapos funny na naman tapos malungkot... then sort of light atmosphere... then tragic na ending. At tadtad ng foreshadowing. Bipolar. naku.

Haizt.


Okay. Hindi ang araw ko ang bipolar. Ako lang talaga.

0 comments: