Yey! Officially tapos na ang 2nd sem ko. WooHoo! Alam ko ang loser... pero oh well. sagad na sagad sa last day ng finals week ang huling exam ko e.
MBB 110 lab finals yun. I think dapat madali lang siya kaya lang hindi kasi ako nag-aral nang maayos e kaya hindi ako sure sa mga sagot ko.
And dahil na-depress ako sa score ko sa lab finals. As in depressing talaga. Walang aangal. Promise ambaba ng score ko... umm. Nakakahiya. I think I'm one of those who got the lowest scores. Shet. Parang hindi ako nag-lab-tech noong high school. Walang kwenta nakakahiya talaga.
Well, anyway. Tapos na iyon. At ipinagluksa ko iyon sa pamamagitang ng paglalaro ng PANG PANG PARADISE.
Oo. Lahat ng depression, galit, lungkot at inis ko ay ibinnuhos ko sa pambabato ng bola...
at siyempre sa kakatawa.
Ayun. Pagkatapos ng lab finals, nagpunta kaming Trinoma. Kumain sila ng lunch (wah. kamusta naman anong oras na nun) tapos ako nag-DQ lang naman. KELANGAN KO KASI NG COMFORT FOOD! Hehe. At saka nag-lunch na kasi ako bago mag-exam. Tapos ako rin yung umubos ng lunch ni Gihan, kaya siya nagutom, ako hindi.
Tapos bukod sa paglalaro ng Pang Pang Paradise, nag-"car race" din kami... ako, si Pat, si Gihan at si Tin.
Ang galing ni TinCan, sobra. Lagi siyang nanalo sa aming apat.
Si Gihan, sobrang ingay as always. Kaming dalawa ni Pat ay tawa nang tawa kasi ang ingay niya. Panay pa yung pagtalsik ng kotse niya. Tapos maya-maya pa o, wala na siyang gulong.
E di lalo kaming nagtawanan.
0 comments:
Post a Comment